Monday, August 30, 2004

Buwan, buwan...

Kanina, tulad din kagabi, binati ako ng buwan. May kakaibang kapayapaan ang panglaw ng liwanag ng galing sa kanya. Tila sinasabing, "Naririto lamang ako, nakatanaw at nakabantay -- isang saksi sa inog ng mundo mo." Iniisip ko tuloy, mabuti pa ang buwan at mapayapa siya bawat gabi. May katiyakan ang lahat sa kanya. Bawat gabi'y naririyan s'ya, saksi sa lahat. Pagputok ng liwanag mamamahinga na s'ya, hangang sa muling tawagin s'ya ng gabi.

Ang buhay natin, walang katiyakan. Kanya nga ba hindi natin makita ang kapayapaan. Kanya nga ba sa bawat araw na dumating ay para tayong balisa o kaya nama'y abalang-abala.

Diyan na muna kayo. Iinom muna ako ng tsaa. Para hindi ako antukin ngayong gabi. Lalo na akong nagnungulila sa malambot na unan kapag nalulungkot ako. Maibsan man lang ang antok, aabot na ako ng umaga.

No comments: