Ang kabiguan ay nakapanlulumo. 'Yan ang dahilan kung bakit sa una'y ayaw mong aminin ang katotohanan. Sa una'y pilit mong lalakasan ang loob mo. Kukumbinsihin mo na kahit gaano pa kahirap ang sinusuong mo'y may pag-asa. Pipilitin mo. Pipigain mo ang lahat ng natitirang pag-asa, hanggang sa mapagod ka at manlumo. Duon na unti-unting babalot sa iyo ang mapait na katotohan -- ang kabiguan ay nalalapit na. Pilit mong lalabanan ang mga luhang ngayo'y nag-uumpisang mamuo. Tila bang apoy ang bawat patak na pilit naghuhulagpos sa iyong mga mata.
Sa gitna ng magulong takbo ng isip mo'y biglang maaalala mo ang maliit na swiss knife sa bulsa mo. Pagdaka'y mararamdaman mo ang kamay mong unti-unting hinahaplos ang kinaroroonan nito. Bagama't naroroon ang pag-aalinlangan, kukunin mo ito ang illuwal mo ang pinakamalaking patalim nito. Pagdaka'y ilalapat mo ito. Doon, tila lalakas uli ang iyong pag-aalinlangan. Isang buntun-hininga ang pakakawalan mo, huling hinga ng lakas ng loob. Pagkatapos ay ilalapat mo na ang patalim at ihihiwa mo iyon ng madiin papuntang kanan. Mapapangiwi ka at titingin sa nagawa mo. Sa pagkabigla mo ay mapapasigaw ka ng ......"Taena, ang dami pa palang laman nito, pwede pang hanggang tatlong sipilyo!"
No comments:
Post a Comment