Para sa isang manunulat, wala na sigurong dadaig sa hirap ng maubusan ka ng salitang gagamitin. Yun tipong naubos mo na lahat ng synonyms na mapipiga mo sa utak mo, eh hindi mo pa rin makuha ng eksakto iniisip mo. 'Wag mo nang isali dyan ang mga "nasa dulo na ng dila ko" situations, dahil lalu ka lang manggigigil sa galit. Minsan tuluy naiisip ko na wala akong kwentang writer, kase nahihirapan ako sa self-expression.
Hmmm . . . Pero manunulat nga ba ako? Nagdududa tuluy ako. Mali-mali ang tina-type na salita ng mga kamay ko. Madalas ko pang nabubulilyaso ang pag-proofread ko. Ni grammar ko eh hindi papasa sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan) class ni Ginang Rodriquez. Tunay nga namang mahirap makipagtalastasan sa gurung yun na ang libro ay bumenta na sa kulang sa tatlumpung henerasyon ng mag-aaral.
Pero manunulat na rin siguro ako. Kase, natiis ng editor ng student publication namin nuon ang mga sulat ko. Nakapagsulat na rin ako sa isang maliit na dyaryo (actually kaibigan ko ang editor-in-chief nuon -- hehehe). Nakapag-publish na rin ako ng feature article so company website. May premyo pa nga 'yun eh, kanya in-edit ko ng tatlong araw at gabi yung hinayupak na article na iyon. Ngayon, para naman hindi tuluyang kalawangin ang utak ko, heto't nagsusulat ako ng pang-araw-araw na mga pangyayari sa buhay ko. Yan ang silbi ng Weblog na ito.
Kanya t`yagain n`yo na ito. Tutal nandito na rin lang kayo, basahin n`yo na ang sulat ko...
No comments:
Post a Comment