May tatamis pa ba? Sa isang sandaling yakap-yakap ka? May hihigit pa kaya? Sa ligayang madarama kung maibabalot ko sa iyo ang aking mga bisig na puno ng pagmamahal. Marahil ang makita ang maamo mong mukha habang nakadantay ang ulo mo sa aking dibdib? Walang anumang salitang mamamagitan, kundi ang wika ng pag-ibig. Siguro, maliban doon, wala na nga.
No comments:
Post a Comment