Thursday, November 27, 2003

Parang napakabagal ng oras kapag hinihintay mo ito. Bakit ako naiinip? Wala pa kasi akong tulog simula kaninang alas-3 umaga. Baket? Nag-alaga ako ng bata.

Nakakaawa naman kasi, nilalagnat. Dinala na nga namin sa ospital kagabi. Nakahinga ako nang maluwag ng sinabihan ako ng ER doctor na hindi na s'ya kailangang i-confine.

Ang hirap lang, kahit naiuwi namin ang baby namin, napuyat parin kaming mag-asawa. Nasabi ko tuloy sa sarili ko na, "Ganito palang maging tatay, mahirap pero titiisin mo kahit gaano kahirap. Idadasal mo pa na sa iyo na lang mapunta ang sakit."

Napuyat kami dahil pabalik-balik lagnat ni baby. Hindi kami magkandaugaga sa paghilamos sa kanyang noo kapag masyado na s'yang mainit, at ganun din namang pagmamadaling suotan s'ya ng panglamig kapag giniginaw.

Mainit ang ulo n'ya kasi wala siyang mapagbalingan ng sakit ng loob. Hindi n'ya alam kung paano n'yang sasabihin kung ano ang masakit, kung ano ang gusto n'yang ilunas mo, at kung ano ang nararamdaman n'ya. Kapag nagkasakit ang bata, hindi lang physical, emotional din. Dangkasi, umaasa pa sila ng buong-buo sa iyo. Ayokong biguin ang anak ko, kanya kahit lumiban na ako sa pagpasok sa opisina eh parang pumasok na rin ako dahil binuno ko ang puyat.

Kanya heto't para akong wala sa sarili. Problema nito eh kung kakayanin kong tapusin ang shift ko.

No comments: