This blog journals Ed's life. Follow him as he struggles through fatherhood, his work, insomnia and his addiction to coffee.
Monday, September 15, 2003
May mga gabing darating sa buhay mo na para bang napakahirap tapusin ng araw. Nandun ka na't hihiga na lamang nang mapansin mo ang kapirasong langit na tanaw mo mula sa binatana. Duon, hindi mo mapapansin ang ilang-libong mga talang ilang-bilyong milya ang layu sa iyo. Hindi mo alintana ang buwan na mapanglaw na nagmamasid sa mga tulad mong tinakasan na ng antok. Sa halip ay maaakit ka sa kawalan ng langit. Pagmamasdan mo ang kawalan na iyon hanggang sa maramdaman mong tila unti-unti ka nitong nilalamon. Parang may dalang kapayapaan ang kawalan na iyon. Sa gulo ng isip mo ay nanaisin mong maging bahagi ng mapayapang kawalan. Tititig ka sa langit hangang mapansin mong may kislot ng liwanag sa kung saang malayung sulok nito. Duon mo mapapansin, inabot ka na naman ng pag-gising ng mundo. Duon mo lamang mararamdaman ang antok. Habang magsisimula na namang gumalaw at magising ang karamihan ng 'sangkatauhan, ikaw nama'y makararamdam ng katahimikan. Duon ay ihihiga mo ang pagal mong katawan, and payapang isip at malungkot na dibdib. . . Hanggang sa muli kang hagkan ng kawalan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment