Monday, July 21, 2003

Old poem of mine. . .



Manunulat

Nakabibingi ang katahimikan
ng pagtigil ng makinilyang
kanina pa pinarurusahan
ng nangangalyo ko nang daliri.
Bahagyang s'yang napahinga
sa parusa ng aking pagtipa.

Sa isang hitit sa sigarilyo
pilit na kinakal
ang buong katinuan
para sa tamang salita,
isusunod na kataga.
Ito na ba ang "Obra Maestra"?

Nobelang hindi tapos,
hindi na alitana ang antok.
Obra maestrang nauupos
kasabay ng sigarilyong paubos.
ito na nga ang "Obra".

Kailangang matapos,
kailangang malathala.
Kailangang maibsan ang pangungulila.
Kailangang mabili
mga katagang sampu-'sang-pera,
matahimik lang ang kalam ng sikmura.

No comments: