Habang nakasakay ako ng jeep kanina, bigla kong naalala yung madalas na biro ng isa kong tiyuhin nuon. Bunso siyang kapatid ng tatay ko, at talaga namang talamak na babaero. Madalas niyang sabihin nuon (lalu na kapag nag-iinuman kami!) na kung mahuli ka daw ng misis mo kasama ang kabit mo, kahit na makita ka pang nakapatong huwag kang aamin. Tanong naman namin, paano n'ya lulusutan 'yun? Kapag nahuli raw s'ya sa ganung sitwasyon, tatanungin daw n'ya ng buong lakas ng boses ang sarili n'ya ng ganito: "Sino ako??? Bakit ako naririto??? Sino kayo (sa chick at sa misis)???" Nakakatawa 'yun birung 'yun nung una. Hindi na ngayon.
Baket? Kasi iba na ang buhay ko ngayon. Mas kumplikado, mas masalimuot, mas maraming inaalala. Ang totoo nyan, nagiging seryoso na ako ngayon kapag natatanong ko sa sarili ko ang unang dalawang tanong sa lumang joke na 'yan.
Sino nga ba ako? Ano ang katuturan ko sa mundo? Bakit ako naririto? Maaring ganito:
"You are a child of the universe,
no less than the trees and the stars;
you have a right to be here.
And whether or not it is clear to you,
no doubt the universe is unfolding as it should..."
(Excerpt from Desiderata)
Sino ako? Ano ang katuturan ko sa mundo? Bakit ako naririto? Mga simpleng tanong na nangangailangan ng kuplikadong sagot. Ika nga nung kaibigan kong professor, "Truth is relative." Walang iisang sagot na maaring sabihing totoo para sa lahat. Hindi ba't 'yang mga tanong din na 'yan ang tinatanong ng mga taong nagpupunta sa Tibet? Hmmmm... Hindi kakayanin ng bulsa ko ang byaheng papunta ng Tibet.
Ano na nga ba ang kalimitang sagot ng mga monks dyan? 'Di ba't meditation? Look for the universe within you and be one with it? Napaka-profound, 'di ba? Mahirap yatang gawin 'yun. Ano kaya mag-Aikido na lang ako? Hehehe. May meditation ka na, may isports ka pa! Nyahahahaha!
No comments:
Post a Comment