I haven't had the words to write the last few days of the past week. Below is something i wrote months ago. It mirrors what I've been feeling this week. Read on...
Sumpa para sa isang manunulat ang hindi maisalin sa salita ang nadarama. Anong bigat nga naman ng magkaroon ng libong ideyang hindi mo mawari kung paano sasabihin. Sa sinumang natutong maghabi nito, ang salita ay hibla na ginto. Tila maliit ang halaga hangat hindi pa nahahabi. Kayamanan itong naghihintay na madiskubre at mahabi.
Kanya naman sa sinumang manunulat, ang ilang sandaling pagtigil ng marahang pagtipa ng mga daliri sa makinilya ay parang nagbabadyang kamatayan. Wala nga namang nakakaalam ng halaga ng buhay mo kundi ikaw, at ikaw lamang ang bukod-tanging naghihinayang sa kakulangan at kalabisan na nangyari dito. Sa sandali ng huling hininga ng iyong pagsusulat, ikaw lamang ang malulungkot sa paghihikahos nito. . . Ikaw, ang iyong mga daliri, at ang makinilya.
Maaring walang halaga sa iyo ang mga salita, pero sa aki’y. . . Marahil, kung nabasa mo na ang tela sa itaas eh alam mo na ang susunod.
No comments:
Post a Comment