Forgot something in draft again. Darn.
Been working overtime for the past week. I travelled to Tarlac on my only day off for the week. I had to attend our frat anniversary there. I came back exhausted from both the travel and the long work week. Now I am back at work. Had the last two days OT-free but I have had trouble sleeping yesterday. I think my body's adjusted to the long hours. Bad thing, OT's over.
I'll try to sleep now. Bye.
This blog journals Ed's life. Follow him as he struggles through fatherhood, his work, insomnia and his addiction to coffee.
Saturday, September 18, 2004
Tuesday, September 7, 2004
Siyudad, Pagkagat ng Dilim...
Sakay ng jeep pauwi, sinikap kong humanap ng pagtutuonan ng atensyon. Kaysa mabagot sa nakaririnding traffic, tumingin na lamang ako sa mga sidewalk na dinadaanan namin.
Naisip ko tuloy, ano kaya ang pakiramdam kung ako sila?
Tumingala ako at nakita kong nakadungaw sa ikatlong palapag ng isang lumang building ang isang katiwala ng gym. Isa iyon sa maraming gym na nagsisulputan sa buong lungsod. Kadalasan, nasa pinakamataas na palapag sila ng mga lumang gusali. Marahil yung na lamang ang natitirang murang lugar sa masikip na siyudad. Nakabantay s'ya sa daan sa ibaba, tila nagpapalipas ng oras habang hinihintay matapos ang mangilan-ilang parukyanong hindi pa tapos pakainin ang naglalakihan nilang mga ego.
May mamang nakatayo sa tabi ng isang tricycle na nakaparada sa harap ng isang children's clinic. Marahan niyang hinihithit sigarilyo n'ya, seryosong pinag-aaralan ang mga guhit ng simyentong kinatatayuan n'ya. Malala kaya ang sakit ng hinihintay nyang pasyente? O inaalala nya kung saan nya kukunin ang pambili ng almusal bukas dahil ginasta na nya ang pambayad sa duktor ng bata?
May mamang nagtitinda ng buko at fishball sa harap ng parking lot ng Puregold. Tila tulala na s'ya. Nakatuon ang mga mata sa daang puno ng naggigitgitang sasakyan, pero parang wala s'yang nakikita. Hindi n'ya alintana ang minsa'y nakabibinging busina ng mga ito. Medyo nahimasmasan lang s'ya nang may mangulit na bumibili ng buko.
May driver na nakasubsob sa harapan ng isang lumang kotse. '79 Galant, kung hindi ako nagkakamali. Malamang nasiraan ito. Alanganin kasi ang pagkakaparada nito sa harap ng dating Rosie's Diner. Madilim na kasi ngayon duon simula nang isara ang diner, kanya hindi mo pipiliing pumarada duon. Halatang hirap na hirap ang pobreng mama na ilawan ang makinang tila bumigay na sa tanda. Sa loob ng kotse, tuloy-tuloy ang paglalaro ng may anim na batang maliliit. Mukhang iritado ng ang dalawang babaeng nagbabantay sa mga ito.
Sa harap ng Jenra, tuloy pa rin ang patintero ng mga jeep at mga traffic enforcer. Sa una eh nanduon sa may kanto ang mga kawawang enforcer, kumakaway at pumipito para hindi duon huminto ang mga jeep. Magta-traffic nga naman kasi dahil kanto 'yun. Ang mga jeepney driver naman, parang nanunuyang lalampas mga 3 o 5-metro lampas n'ya eh paparada na. Syempre, lalapitan n'ya hangang umusad sila paunit-unti sa tamang babaan at sakayan may 20-metro ang layo sa kanto. Kapag nakita ng paparating na mga driver na nasa malayu ang enforcer, duon na naman sila paparada sa mismong kanto. Lalapit ang enforcer na maghapon nang nagbilad sa lansangan. Halatang sa mga oras na 'yun eh nabuburyon na s'ya. Dangkasi, duon na naman uulit ang pabalik-balik n'ya, hangang maubos ang traffic.
Ang driver na lang ng sinasakyan kong jeepney ay isa sa mga pinaka-iiwasan ko. Ang jeep na waluhan ang bawat gilid eh pilit pinasasakyan ng dalawampung tao. Bastos s'yang sumagot sa pasahero. Kulang manukli at aburido kung kulang ang inabot na pasahe ng kahit singkwenta sentimos lang. Tumitigil sa lahat ng madaanang kanto. Paano kaya ang maging katulad n'ya? Bakit kaya n'ya ginagawa ang ginagawa n'ya? Likas ba s'yang abusado o naging ganun na lamang s'ya dahil sa pakikitungo ng mundo sa kanya?
'Yun kayang mga dinaanan ko? Paano kaya ang maging katulad nila? Bakit kaya nila ginagawa ang ginagawa nila? Ano kaya ang pakiramdam ng maging sila?
Nang pumara ako sa kanto ng subdivision na inuuwian ko, napansin ko ang kakaibang tahimik nito. Walang gaanong ingay dito, 'di tulad ng syudad na pinanggalingan ko. Pinaghihiwalay lang ng ilang kilometro pero parang isang mundo ang pinagkalayo sa masalimuot na siyudad ng Angeles. Habang patawid ay inipit ko sa ilalim ng braso ko ang tangan kong PC World Magazine. Naisip ko tuloy masuwerte pa rin ako. Magaan ang trabaho ko. Medyo kalakihan na rin ang sweldo. May sapat akong pambayad ng bubong na sinisilungan. Nakakain ko ang gusto ko. Umuuwi ako sa isang mas tahimik na lugar (bagama't salat sa ilawang poste). May naghihintay sa akin sa bawat pag-uwi ko. Nakabibili ako ang PC World at alinman sa may isang dosenang babasahing sinusubaybayan ko. Masarap maging ako.
Salamat sa Diyos. :-))

Sunday, September 5, 2004
Back to Work
Last night I called-in-sick. I suspected conjunctivitis. I thought I was feeling the onset. We're having a mini-epedemic where I work. I went to a doctor this afternoon at apparently its just a minor irritation. My eyes have gotten dry and stressed. The doctor just prescribed a solution for my eyes -- something along the lines of the medical equivalent of tears. Long story short, I bought the meds, got home and I couldn't sleep.
I'm going back to work tonight, albeit 650 pesos poorer (for having myself checked by an opthalmologist and after buying the meds). Darn...

Saturday, September 4, 2004
Smart Wap Mail - On being thick.
Sometimes I'm insensitive. I can admit that much. Sometimes I simply don't get it. That's just the way I am. Then there are times I'm amazed by my own brilliance-LOL.
My wife sent me a text message last night apologizing for being grumpy the last few days. We haven't had much time to ourselves lately because of her work sched. Whatever time we did have, we spent arguing over something trivial.
Early this morning, I suddenly thought of flowers. So I bought some. Nothing fancy though. I'm on my way home to wake her and surprise her. I hope she likes them. Times like these, I wish I had more inspired moments. We were, afterall , created to serve a purpose. What better cause to serve than to bring joy to the hearts of those who are weary of the callused world,eh?

Friday, September 3, 2004
Siyudad, Sa Pagkagat ng Dilim...
Kaninang pauwi ako, nakapagmasid ako ng mabuti. Bihira kong makita ang gayong mukha ng siyudad -- malungkot at madilim na mukha niya. Pagod na ako kanina. Kulang kasi sa tulog.
'Dangkasi naman eh gumising ako kaninang ala-1 ng hapon para makipagkita sa isang frat brod na bumisita. Nagkita kami sa National Bookstore sa may Nepo. May titingnan din kasi akong magasin kanya ti-next kong dun na lang kami magkita. Tumingin kami ng ilang libro.Maraming bago pero wala sa budget ko ang pambili ng bagong aalikabukin sa bookshelf ko. Kumuha na lang ako ng lumang isyu ng PC World. Pagkatapos ay tumulak na kami papuntang AUF Medical. Duon, pinuntahan namin ang isa pa naming brod na doctor. Nagkasundo kaming mag-miryenda muna sa Razon's (dahil kasama ni doc ang anak n'ya). Ayus naman ang t'yempo, kase matagal ko na ring nami-miss ang halo-halo ng Razon's. Pagkatapos kumain, (at dahil wala na kaming maisip gawin) nagpunta na lang kami sa Diamond Park sa may Balibago.
Medyo naiilang lang ako nung nandun na kami. Kasi nagbago na rin ang paligid ng park. Kung'di sari-sari store na may mga mesa sa harap, eh barbekyuhan (sosyal at masa) na may maingay na sounds ang makikita mong nakapalibut sa parke. Drinker's haven, ika 'nga. Kilala na rin ang lugar na ito na tambayan ng mga kolehiyalang sumasama sa kahit sinong may kotse. May bayaran, may "trip lang." Marami-rami na rin kasing "tagpuan" na nagsulputang parang mga kabute sa iba-ibang kalye sa paligid ng parke.
Nang dumating kami dun, nag-uumpisa nang mag-ronda ang ilang truck na nagde-deliver ng tube ice at beer. Ganun ang athmosphere. Kanya medyo alangan ako. Tatlo pa naman kaming lalake na may kasamang isang 6-year old. Para kaming Three Men and a Baby - hehehe. Nagtambay na lang kami sa isang sulok ng parke na may swings at slide. Naglaro na lang dun si Aina na may tatlong pares ng matang nakabantay sa kanya. Habang abala ang bata, nagkwentuhan kami.
Marami nang nangyari sa aming tatlo. Nag-asawa na ako, kwento ko. Ang isa, inaalala na kung papayagan na n'yang pumasok sa sorority namin ang panganay n'ya. Nangingibabaw kasi ang pagiging protective father n'ya, kahit na gusto na n'yang maging Sis ang anak n'ya. Si doc naman, kinuwento ang lagay ng kasong nilalakad n'ya. Kinuwento n'ya ang nangyari sa kanilang mag-asawa, isang kuwentong narinig ko na ng may ilang-pung beses mula sa mga brod. Mas brutal pa rin talaga ang istorya kung galing sa mismong nasaktan. Pero nakinig ako ng bukas ang puso ko. Nakabubuti kasi sa isang gaya n'ya ang magkwento. Naiibsan ang sakit, kahit papaano. Parang 'yung mga namatayan sa isang burol na ilang ulit kinukwento kung paano namatay 'yung pinagbuburulan. Therapeutic kasi 'yun. Galing na ako duon, kaya alam ko kung gaano ka-importanteng may makinig sa iyo habang kinukwento mo kung gaano kasakit sa loob ang nangyari. Bawi naman, kahit papaano. Kasi sabay-sabay naming nilantakan ang barbekyu at nilagok ang Mountain Dew na binili namin. Sabi nga nung isa, "pwede naman pala nating gawin ito kahit walang inom." Walang inom ngayon-hehehe. Natawa nga ako nang maisip kong, 'di ba't mga babae ang madalas gumgawa neto -- ang magsabihan ng problema habang kumakain? Hehehe.
Itutuloy........

Subscribe to:
Posts (Atom)